NAKAHANDA | PCG nakatutok sa galaw ng bagyong Domeng

Manila, Philippines – Nanatiling naka alerto ang puwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) upang makatugon sa anumang sakuna na maaring idulot ng bagyong Domeng.

Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo bagamat walang storm signal ang bagyo pinaalalahanan pa rin nila partikular ang mga maliliit na sasakyan pandagat na maging alerto o ipagpaliban muna ang pagpalaot dahil sa naglalakihang alon dulot ng bagyong Domeng.

Paliwanag ni Visayas, Caraga at hilagang Mindanao Balilo na nanatiling naka standby ang kanilang mga rescue team at medical team lalo na ang kanilang mga sasakyan pandagat upang agad makatugon sa anumang sakuna sa karagatan at mga pagbaha sa tinatahak ng bagyong Domeng partikular sa Central Visayas, Eastern.


Facebook Comments