NAKAHANDA | PNP, handa na para sa posibleng pag-aresto kay Trillanes

Manila, Philippines – Nakahanda na ang mga tauhan ng Philippine National Police sa pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay Senator Antonio Trillanes.

Ito ay sa oras na ilabas na ito ng Makati Regional Trial Court Branch 148 dahil sa kaso nitong coup d ‘etat. (Kudeta).

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, mangunguna ang mga tauhan nila sa Makati City Police Office, District Director at mga taga Criminal Investigation and Detection Group sa pagsiislbi ng warrant of arrest.


Kapag hindi aniya bailable o walang pyansa ang kasong dedesisyunan ng Makati RTC ay tiyak aniyang deretso si Senator Trillanes sa Camp Crame o di kaya Camp aguinaldo depende sa magiging commitment order ng korte.

Maaring sa Camp Crame rin daw gawin ang booking procedure para na rin sa seguridad ng Senador.

Facebook Comments