NAKAHANDA | PNP, handang magbigay ng police escort sa mga kwalipikadong kakandidato sa susunod na taon

Manila, Philippines – Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na magbigay ng protective security services sa mga kakandidato sa eleksyon sa susunod na taon.

Ito ay kaugnay sa pagsisimula ngayong araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy para sa mga kakandidato sa pagkasenador, kongresista at mga local positions.

Pero ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt Benigno Durana mabibigyan lang ang mga ito ng Police escort kung maibibigay nila ang lahat ng requirements ng PNP.


Una sa mga requirements ay kung mapapatunayang may banta sa buhay ng isang kandidato.

Dagdag pa ni Durana dalawang buwan na ang nakakalipas nang ipagutos ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde sa mga PNP field commanders ang pakikipag ugnayan sa mga incumbent elected officials upang mapagaralan ng pnp ang pagbibigay ng nararapat ng protective Security coverage sa mga ito.

Huwag naman daw mabahala ang mga non incumbent candidates dahil maarin silang mabigyan ng police escort depende sa magiging assesment ng PNP.

Ang paghahain ng COC ay magtatagal hanggang October 17.

Facebook Comments