NAKAHANDA | Secretary Aguirre, bukas sa pagharap sa mga Senador tungkol sa pag-abswelto ng DOJ sa mga Customs official

Manila, Philippines – Iginiit ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na handa siyang humarap sa mga senador kung sakaling ipatawag para magpaliwanag sa ginawang pag-abswelto ng Department of Justice kay dating Bureau of Customs Chief Nicanor Faeldon at iba pang opisyal na idinadawit sa nadiskubreng bilyun-bilyong halaga ng shabu na naipasok sa bansa mula china.

Nilinaw ni Aguirre na hindi maaaring makialam ang kanyang tanggapan sa trabaho ng National Prosecution Service na siyang nagsagawa ng preliminary investigation sa reklamong iniharap sa DOJ ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Gusto lang aniyang palabasin ng mga mambabatas at ng kanyang mga kritiko na kumukuwestiyon sa resolusyon na dinidiktahan niya ang mga tagausig.


Paliwanag naman ni Assistant State Prosecutor Aristotle Reyes, ibinatay lamang nila ang desisyon sa kaso sa mga inilatag na ebidensya ng complainant.

Facebook Comments