NAKAHANDA | Secretary Roque, handa sa anumang ganti ni dating Palawan Governor Joel Reyes

Manila, Philippines – Inihayag ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na handa siya sa posibleng maging ganti ni dating Palawan Governor Joel Reyes Laban sa kanya.

Ito ang sinabi ni Roque sa harap na rin ng apela ng kampo ni Reyes sa Court of appeals na i-cite in contempt si Roque matapos ang kanyang naging reaksyon sa pagpapalaya sa dating gobernador na sinasabing utak sa pagpatay broadcaster at environmentalist na si Dr. Gerry Ortega.

Ayon kay Roque, welcome sa kanya ang hakbang ng mga Reyes, ito aniya ay upang mabigyan siya ng pagkakataon na magpaliwanag sa kanyang naging pahayag.


Binigyang diin ni Roque na hindi siya nagsisisi sa kanyang ginawa dahil mayroon din itong go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi din nito na anomang pahayag na kanyang sasabihin ay bahagi ng kanyang kapasidad bilang tagapagsalita ng Pangulo at hindi bilang abogado ng pamilya Ortega.

Facebook Comments