Bumagal ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Burgos Street, Dagupan City kahapon, November 28, matapos humarang ang isang boom truck na naglalagay ng materyales sa isang malaking gusali.
Umabot ang pagsisikip ng trapiko mula tapat ng City Plaza hanggang PNP Dagupan Police Office na tumagal ng halos isang oras.
Ayon kay Public Order and Safety Office (POSO) Chief Arvin B. Decano, agad nilang sinita at pinahinto ang operasyon ng truck matapos matukoy na wala itong kaukulang permiso mula sa Lokal na Pamahalaan.
Nagpaabot naman ng mahigpit na paalala ang mga awtoridad sa publiko na tiyaking may tamang koordinasyon at permit bago magsagawa ng anumang aktibidad na maaaring makaperwisyo sa daloy ng trapiko, upang maiwasan maulit ang ganitong insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









