NAKAHINGA NG MALUWAG | Sister Patricia Fox, nakakita ng pag-asa sa mabilis na pag-usad sa DOJ ng kanyang apela

Manila, Philippines – Nakahinga ng maluwag si Sister Patricia Fox sa posibleng pag-aresto sa kanya ng Bureau of Immigration (BI).

Ito ay dahil sa maagap na pag-aksyon ng Department of Justice (DOJ) sa kanyang petition for review na kumukwestiyon sa pagkansela ng kanyang missionary visa.

Bunga nito, umaasa rin ang Australian missionary na makakakuha siya ng patas na pagtrato.


Sa kapareho kasing araw na naghain ng apela si Fox sa DOJ noong nitong Biyernes ay kaagad na naglabas ng kautusan si Justice Secretary Menardo Guevarra na nag-aatas sa BI na magsumite ng sagot sa petisyon ni Sister Fox sa loob ng sampung araw.

Nilinaw din ni Guevarra na mayroong hanggang June 18 si Sister Fox para manatili sa bansa kung ang pagbabatayan ay ang pagbasura sa kanyang Motion for Reconsideration (MR) sa BI.

Facebook Comments