Nakaimbak at Masangsang na Amoy ng Patay na Baboy, Inireklamo

Cauayan City, Isabela- Inirereklamo ng ilang residente ng barangay Marabulig 1 sa Lungsod ng Cauayan ang nakaimbak at nangangamoy na mga patay na alagang baboy.

Ayon kay alyas Angeline, hindi na nila masikmura ang matinding amoy ng nasabing mga patay na hayop kung kaya’t minarapat nilang idulog ito sa kinauukulan para sa agarang aksyon.

Giit pa ni Angeline, ilang araw na rin na natatakpan ng tolda ang patay na alagang hayop dahilan ng masangsang na amoy nito.


Ayon naman kay Kapitan Jaime Partido, aminado ito sa ‘delayed’ na pagbabaon sana sa mga alagang baboy dahil sa kakulangan ng equipment ng City Veterinary Office na siyang gagamitin sa paghuhukay.

Giit ng opisyal, inaasahang maibabaon na sa lupa ang mga namatay na alagang baboy matapos itong kumpirmahan ng veterinary office at magkaroon na ng available na kagamitan sa paghuhukay.

Tinatayang nasa 20 baboy ang namatay na pagmamay-ari ng isang hograiser dulot ng sakit na African Swine Fever.

Magsisimula na rin aniya sila na magsailalim ng culling sa mga apketadong alagang baboy para maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit.



Facebook Comments