NAKAINOM | Traslacion 2018, isa ang naitalang patay

Manila, Philippines – Isa ang naitalang namatay sa Pista ng Poong Itim na Nazareno sa Quiapo Church lungsod ng Maynila.

Siya ay isang lalaki 51 yrs old na nakilalang si Ramil Dela Cruz.

Ayon sa A1 Source mula sa MDRRMO ng lungsod ng Maynila, isang lalaki na kasama sa prusisyon ang kanilang binigyan ng atensyong medical matapos ireklamo ang paninikip sa dibdib.


Alas-dose trenta ng madaling araw nang mangyari ang insidente pero tumanggi magpadala sa hospital si Dela Cruz.

Sa unang atake na-revive pa siya ng medical team pero sa ikalawang pag kakataon hindi na niya kinaya at tuluyan nang namatay sa Jose Reyes Medical Center.

Lumalabas na nakainom ang biktima base sa initial na impormasyon mula sa MDRRMO.

Facebook Comments