NAKAKAABALA? | Rally ng PISTON sa Aurora Boulevard, gusto nang ipa-disperse ng LTFRB

Manila, Philippines – Wala nang nakikita si QCPD Director Police Chief
Superintendent Guillermo Eleazar, na i-disperse ang grupo ng Pinagkaisang
Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na nagsasagawa ng kilos
protesta sa may Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City.

Ito ay matapos ireklamo ni Atty. Aileen Lizada, LTFRB board member kay QCPD
director Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar ang
nakakaabalang paggamit
ng PISTON sa westbound lane ng Aurora Boulevard.

Ayon kay Lizada, halos nasa gitna na ng kalsada ang mga commuters dahil
halos okupado na ang nabanggit na linya ng kalsada.


Ayon kay Eleazar, unti-unti naman nang lumiliit ang bilang ng mga
nakikilahok sa rally.

Nagpapatuloy ang programa ng PISTON sa lugar habang nakaposisyon sa harap
nila ang mga pulis na civil disturbance management unit ng QCPD.

Maliban sa PISTON, nakibahagi din ang mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno.

Facebook Comments