NAKAKABAHALA? | Pagbili ng Vote Counting Machines ng COMELEC, tatalakayin sa susunod na pagdinig ng Kamara at Senado

Manila, Philippines – Kukwestyunin ni House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairman Sherwin Tugna ang COMELEC dahil sa pagbili ng vote Counting Machines (VCMs) na ginamit rin noong 2016 Presidential election.

Aabot sa 2.2 billion pesos ang halaga ng 97,000 VCMs na binili ng ahensya.

Ayon kay Tugna, nasorpresa siya dahil nagkaroon na pala ng bilihan at bayaran sa VCMs na hindi man lang naaabisuhan ang komite.


Nakakabahala aniya dahil binili ang mga vcms nitong Disyembre lamang ng nakaraang taon at inaalala niya kung magagamit pa ito pagsapit ng 2019 election.

Nasorpresa umano ang kanilang komite na bumili ng mga makina ang COMELEC na dapat sana ay noon pang 2016 election binili ang mga VCMs.

Sa halip ay nirentahan lamang noong 2016 presidential election ang mga VCMs.

Nababahala ang mambabatas na baka masayang lamang ang pondo at hindi na compatible ang mga biniling VCMs sa technology na gagamitin pagsapit ng 2019 election.

Facebook Comments