Manila, Philippines – Nakakasiguro si Committee on Economic Affairs Chairman Senator Win Gatchalian na malapit ng maranasan ng Pilipinas ang “full recovery” o tuluyang pagbangon mula sa pagiging “Sick Man of Asia.”
Kasunod nito ng pangunguna natin sa 80 bansa na pinakamaiging paglagakan ng pamumuhunan o pag-nenegosyo base sa best countries report ng US News and World Report.
Sa tingin ni Gatchalian, ito ay dahil sa mahusay na economic policies ng administrasyong Duterte na siyang nagdadala sa ating ekonomiya sa tamang direksyon.
Pangunahing tinukoy ni Senator Gatchalian ang Build, Build, Build Program na popondohan ng 9-trilyong piso na siyang magsusulong sa pagpapatatag ng investment climate sa bansa.
Sabi ni Gatchalian, dapat nating samantalahin ang oportunidad na ito para mailatag ang kinakailangang legal na reporma na magpapalakas sa Foreign Direct Investment.