Cambridge, Massachusetts – Isang masters student mula Cambridge, Massachusetts ang nakagawa ng isang machine na kayang mag-resolba ng rubik’s cube sa loob lang ng 0.38 segundo!
Gawa ito ni Ben Katz, estudyante sa Massachusets Institute of Technology- Biomimetic Robotics Lab.
Gawa raw ang machine sa anim na Koll morgen servo disc U9-series motors na may U.S. digital optical encoders at dalawang play station eye cameras.
May actual motion time din ang machine na 335 milliseconds.
Katunayan ayon kay Katz, kaya pa raw niyang pabilisin ang galaw ng machine pero sakaling pabilisin pa ay baka raw masira na ito.
Facebook Comments