Nagsasagawa ngayon ng pagdinig ang Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture na pinamumunuan ni Senador Win Gatchalian ukol sa sistema at kalidad ng edukasyon sa bansa.
Ito ay matapos lumabas noong nakaraang taon ang mga nakababahalang resulta ng 2018 Programme for International Student Assessment (PISA).
Sa naturang pag-aaral sa halos walumpung (79) bansa, ay ang Pilipinas ang may pinakamababang marka sa pagbasa o Reading Comprehension at Pilipinas din ang pangalawa na may pinakamababang marka pagdating sa Science at Mathematics.
Ayon kay gatchalian, layunin ng pagdinig na maipahanay sa Department of Education (DepEd) ang mga hakbang para iangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Umaasa si Gatchalian na sa pagdinig ay matutukoy ang mga hamong kinakaharap upang mabigyan ang mga kabataang Pilipino ng dekalidad at abot-kayang edukasyon.