Nakakalitong COVID-19 tally ng DOH, kinuwestyon ni VP Robredo

Pinuna ni Vice President Leni Robredo ang paglalabas ng Department of Health (DOH) ng hindi sapat at nakakalitong mga datos hinggil sa totoong bilang ng COVID-19 cases kada araw.

Ito ang pahayag ng Bise Presidente matapos maglabas ang DOH ng dalawang hiwalay na datos – ang isa ay para sa “new cases” habang ang isa ay para sa “total positive cases.”

Ayon kay Robredo, dapat ilabas ng DOH ang mga datos na kumpleto para hindi siya nakakalito.


Mas mainam din aniya kung isang set ng data ang inilalabas bawat araw.

Nakiusap din ni Robredo sa pamahalaan na dagdagan ang bilang ng test kada araw at magsagawa ng massive testing sa mga lugar na mataas ang transmission.

May pangangailangan din na palakasin ang contact tracing para agad na maikasa ang isolation.

Facebook Comments