Nakakatuwang hair art ng isang African fashion designer, usap-usapan sa social media

192

Africa – Usap-usapan ngayon sa social media ang kakaibang hairstyle ng isang young fashion designer mula Ivory Coast sa Africa.

Naihuhulma niya kasi sa iba’t ibang hugis o bagay ang kanyang buhok gaya ng kamay ng tao, tenga ng kuneho, halaman at tao.

Para kay Laetitia Ky, ginagamit niya ang kanyang buhok hindi lang para ipakita ang kakaiba niyang artistice side kundi para baguhin ang perception ng tao tungkol sa buhok ng mga African na kadalasang kinokonsiderang pangit o hindi magandang tingnan.


Hindi naman daw niya akalain na sisikat siya sa kanyang mga creative hair art kaya naman sobra ang saya niya na marami ang nakaka-appreciate rito.

Facebook Comments