Pampanga – Nakalaya na ang higit 400 Pilipinong inaresto noong Miyerkules sa Clark Freeport Zone sa Angeles City, Pampanga dahil sa pagkakasangkot sa multi-million dollar online stock trading scam.
Base ito sa rekomendasyon ng inquest prosecutor ng Department of Justice.
Pero ayon kay PNP Anti-Cybercrime Group Director C/ Supt. Marni marcos Jr. – may kaso pa rin ang mga ito at bibigyan ng pagkakataong maghain ng kanilang counter affidavits.
Nananatili namang nakakulong ang walong israeli na namamahala sa operasyon ng international brandings development marketing inc.
Nahaharap sila sa kasong syndicated estafa at walang inirekomendang piyansa sa kanila.
Facebook Comments