*Cauayan City, Isabela*- Nakumpiska ng mga otoridad ang ilang nakalalasing na inumin mula sa mga residente na dumalaw sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay ngayong araw sa Lungsod ng Cauayan. (Nov. 1, 2019)
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Capt. Esem Galiza, tagapagsalita ng PNP Cauayan, nakumpiska ang mga alak sa ilang pribadong sementeryo sa lungsod at ilan din ay mga alak na alay sa mga puntod sa pampublikong semeteryo sa Brgy. San Francisco sa nasabing lungsod.
Ayon pa kay P/Capt. Galiza, kahit na ang ilang alak ay ‘atang’ ito ay kanila pa ring kinumpiska bilang bahagi ng precautionary measure ng kanilang hanay.
Dagdag pa niya, bagama’t tradisyon at nakagawian na ng ilang pilipino ang pag aatang ay kanila pa rin nila itong nirerespeto pero kailangan din aniya na mapanatili ang hindi inaasahang sitwasyon.
Nagpaalala naman si P/Capt. Galiza sa publiko na mangyaring iwasan na ang magdala ng ilang ipinagbabawal na gamit gaya ng bladed weapon, deadly weapon at mga nakalalasing na inumin dahil mahigpit ang kanilang ipapatupad na seguridad bilang paggunita ng araw ng undas.
Nakalalasing na Inumin sa mga Sementeryo sa Cauayan City, Kinumpiska
Facebook Comments