NAKALALASON | Mga laruang pangregalo ngayong Pasko, dapat busisiing mabuti

Manila, Philippines – Nagbabala ang grupong Ecowaste Coalition sa mga mamilili ngayong Kapaskuhan sa mga naglipanang mapanganib at nakalalasong mga laruan.

Ayon kay Chemical Safety Campaigner Thony Dizon – ang mga laruan ay maayos ang pagkakagawa, dapat akma rin ito sa edad ng mga bata at walang natatanggal na maliliit na piyesa na maaring pumasok sa ilong, tenga at bibig.

Ugaliing suriin kung may kemikal itong lead at kung gawa ito sa Polyvinyl Chloride (PVC) plastic.


Kapag nakabili ng mga ganitong klaseng mga laruan, posibleng magdulot ng pagkalason, pagkabulon at pagkasugat ng mga bata.

Facebook Comments