Dumating na sa bansa ngayong umaga ang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Jimmy Pacheco na napalaya mula sa pagkakabihag ng grupong hamas.
Sinalubong si Pacheco nina Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-Charge Hans Leo J. Cacdac, ilang personel ng DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Dapat ay alas-8:45 kanina ay lumapag na ang sinakyan ni Pacheco ang Philippine Airline flight PR659 sa NAIA terminal 1 ngunit na-adjust ito ngayong alas-10:20 kanina.
Kitang-kita naman sa mukha ni Jimmy Pacheco ang saya at tuwa nitong makabalik na ngayon sa bansa at makapiling ang kanyang pamilya lalo na’t ngayong magpa-Pasko.
Samantala, nakaantay naman para kay Pacheco ang tulong mula sa pamahalaan kasunod ng pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na muling makapiling ang pamilya nito ngayong Pasko.