Pangasinan – Sugatan ang isang negosyante habang maswerteng nakaligtas ang isang 77-anyos na lola matapos ang insidente ng pamamaril sa bayan ng Asingan, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Mylene Bondad, 34 anyos, residente ng Barangay Carosucan Norte sa nasabing bayan.
Sa ulat, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Strella road sa kanilang barangay sakay ng kanyang motorsiklo, kasama ang pitumpu’t pitong taong lola na si Rosita Quitlong, nang bigla na lamang paputukan ng isa sa dalawang lalaki.
Tinamaan sa kaliwang pisngi ang biktima na isinugod naman agad sa osppital habang mabilis naman na tumakas ang mga suspek.
Narekober ng mga otoridad ang isang basyo ng caliber 45 na baril kung saan inaalam pa rin nila ang motibo sa krimen.
Facebook Comments