‘NAKALILITO’ | Bagong Toll Collection Scheme sa Skyway, ipinababasura ng DOTr

Manila, Philippines – Inatasan na ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang Toll Regulatory Board (TRB) upang ibasura ang bagong paraan ng pangongolekta ng toll fee sa Skyway.

Ito ay makaraang magdulot ng kalituhan sa mga motorista ang pagpapatupad ng bagong collection scheme na naging sanhi ng pagbibigat ng trapiko.

Sa ilalim ng bagong collection scheme, dalawang beses dapat huminto sa Skyway ang mga motorista. Dahil bukod sa payment booth, mayroon pang tollbooth sa gitna kung saan dapat i- surrender ng mga motorista ang kanilang slip na naglalaman ng QR code.


Ayon kay Secretary Tugade, kaya tinawag na express way ang daan ay dahil dapat mabilis at convenient ito para sa mga motorista, na taliwas aniya sa naranasan ng publiko simula nitong Sabado kung kailan unang naipatupad ang bagong collection scheme.

Dahil dito, agad na ipinababalik ng kalihim ang dating collection scheme na ‘Pay as you enter’.

Ayon pa kay Tugade, hindi maaaring magpatupad na lamang basta – basta ng mga pagbabago sa collection scheme, nang hindi muna kumo- kunsulta o ipinababatid sa publiko.

Facebook Comments