Pag-amyenda sa Universal Healthcare Law, aprubado na sa Senado

Nakalusot na sa Senado ang panukalang pagamyenda sa Universal Healthcare (UHC) Law.

Sa botong 19 na pabor at wala namang pagtutol ay inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill 2620.

Ayon kay Senator JV Ejercito, sponsor ng panukala sa plenaryo, sa pamamagitan ng panukala ay mas mapapababa ang premium contribution ng mga PhilHealth member at mas mapapalawig ang mga benepisyo rito.


Inaasahan naman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na bababa sa 3.25 percent ang premium ng mga miyembro mula sa kasalukuyang 5 percent.

Ipinasasama rin sa panukala ang dental services sa benefit package ng PhilHealth at ang pagtitiyak na may dental expert sa PhilHealth board.

Mahigpit na ipinagbabawal ng panukala ang paglilipat ng anumang bahagi ng pondo, kita o provident fund ng Philhealth sa ibang programa ng gobyero maliban sa mga health-related programs.

Facebook Comments