NAKAMASKARA PA | Babae, tinangkang halayin ng kapitbahay sa Mandaluyong City

Mandaluyong City – Nakamaskara pa ang isang lalaki matapos na tangkang halayin ang kanyang kapitbahay sa mandaluyong kaninang madaling araw.

Kwento ng biktima, patulog na sana siya nang biglang sirain ng suspek ang kandado ng kanyang kwarto saka siya pinagsusuntok at sinakal.

Pinagbantaan pa umano siya na papatayin kapag nagsumbong.


Pero nanlaban ang biktima hanggang nakahingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Kahit naka-maskara, agad din niyang nakilala ang lalaki na kapitbahay din niya at anak ng katrabaho niya sa isang canteen.

Nag-sorry naman ang suspek at iginiit na lasing siya kaya ito nagawa.

Gayunman, desidido ang biktima na magsampa ng kaso.

Facebook Comments