Hinamon ni House Committee on Good Governance and Public Accountability Chairman Representative Michael Aglipay na magpakilala ang nakamaskarang testigo na humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Kaugnay ito sa pagdinig sa umano’y maanomalyang pagbili ng gobyerno ng medical supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Ayon kay Aglipay, hindi katanggap-tanggap na witness ang hindi nagpakilalang whistleblower na nagbulgar ng umano’y pagpapalit ng expiration dates sa mga face shields.
Ngayong linggo, tinapos na ng komite ang pagdinig sa Commission on Audit (COA) reports sa Department of Health (DOH) tungkol sa umano’y overpricing na mga COVID-19 supplies.
Sabi pa ni Aglipay, iba ang istilo ang House of Representatives kumpara sa senado sa pag-trato sa mga imbitadong resource person.
Habang paniniwala pa nito na politika at election 2022 ang motibo ng Senate Blue Ribbon Committee.
Sa ngayon, wala pang komento dito si Senate Blue Ribbon Committee Chair Senator Richard Gordon.