Nakapagtala ang PHIVOLCS ng phreatic eruption event at volcanic tremor sa main crater ng Bulkang Taal ngayong araw

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naobserbahan mula sa main crater ang isang minutong phreatic eruption event habang tumagal ng 25 na minuto ang volcanic tremor.

Naitala ang may taas na 1,500 metrong usok o steam plume mula sa bulkan na patungong Timog-Kanluran direksiyon.

Sa ngayon, nakataas pa rin sa Alert Level 1 sa bulkang taal kung saan mahigpit pa rin ipinagbabawal ang pagpunta sa mismong volcanic island.


Facebook Comments