NAKAPASA NA | Entrepreneurship skills para sa mga magreretirong empleyado ng gobyerno, isinusulong sa Kamara

Manila, Philippines – Nakapasa na sa Mababang Kapulungan ang House Bill 7445 kung saan ihahanda ng pamahalaan ang mga magreretirong government employees sa pagnenegosyo.

Sa botong 237 yes at 0 no ay nakapasa sa plenaryo ang panukala na layong tulungan ang mga empleyado ng gobyerno sa iba pang economic opportunities tulad ng entrepreneurship sa oras na matapos ang kanilang serbisyo sa pamahalaan.

Layunin din ng panukala na pangunahing iniakda ni AN WARAY Party list Representative Victoria Isabel Noel na magtuluy-tuloy ang innovative at development-oriented government programs at projects para sa entrepreneurship.


Binibigyang mandato ng panukala ang mga tanggapan at ahensya ng gobyerno na maghanda at magpatupad ng post-service sa Government Service Entrepreneurship Development Program (GSEDP) para sa mga empleyado ng pamahalaan alinsunod sa guidelines ng Civil Service Commission (CSC).

Ang mga empleyado sa programa na ito ay tuturuan ng technology transfer systems, entrepreneurial educational programs, entrepreneurial networks, financial literacy at livelihood trainings and seminars.

Facebook Comments