Kaisa si Agri Party-list Rep. Wilbert Lee sa mga sumisigaw ng hustisya para sa tatlong mangingisdang Pilipino na nasawi makaraang mabangga ng isang dayuhang oil tanker ang kanilang sinasakyang bangka sa Bajo de Masinloc.
Giit ni lee, hindi na amhalaga kung sinadya man o hindi ang pangyayari dahil sa huli ay iniwan pa rin ng mga may-sala ang mga biktima nila kaya dapat matiyak na sila ay mapananagot.
Paliwanag pa nito na kapag may aksidente, ang dapat agad na gawin ay i-check kung may nasugatan o may napinsala at magbigay agad ng tulong pero tunay na walang konsensiya ang nakadisgrasya sa ating mga mangingisda dahil sila ay tinakbuhan agad.
Malinaw na malinaw para kay Lee na hit and run ang nangyari kaya dapat ay mas mabigat ang ipataw na parusa sa kanila.
Bunsod nito ay umaasa si Lee na magiging mabilis at masusi ang imbestigasyon sa insidente lalo’t galing na mismo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang utos at pagtiyak na pananagutin ang mga may sala.