Manila, Philippines – Nakapili na si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong pinuno ng Philippine Army sa katauhan ni Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines Chief Major General Macairog Alberto.
Ito ay matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na itatalaga niya si Army chief Rolando Bautista bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development.
Nabatid na si Alberto ay ang dating commander ng task force Davao at naging recipient ng iba’t-ibang medalya tulad ng Distinguish service Stars, Gold Cross Medal at bronze cross medal.
Ito naman ang kinumpirma ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go at ang appointment aniya na ito ay ibinigay na ng Office of the Executive Secretary sa Department of National Defense.