Nakaraang administrasyon, posibleng hindi kasama sa mga lider na kakausapin ni Pangulong Duterte sa isyu sa WPS

Desisyon mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na kausapin ang mga dating pangulo ng bansa sa usapin sa West Philippine Sea.

Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa interview ng RMN Manila kasunod ng pagtanggi ng pangulo sa panawagan ni dating Senator Rodolfo Biazon na mag-convene ang National Security Council para matalakay ang umiinit na usapin ukol sa panghihimasok ng China sa ating teritoryo.

Ayon kay Roque, binubuo pa lang kung sino-sino ang iimbitahan ng pangulo pero posibleng hindi kasama rito ang nakaraang administrasyon at si Sen. Antonio Trillanes.


Una nang sinuportahan ng mga senador ang panukala ni Biazon kung saan iginiit ng mga ito na panahon na para bumuo ang gobyerno ng malinaw at nagkakaisang posisyon sa isyu sa West Philippine Sea.

Facebook Comments