Nakaranas ng mild side effects matapos makatanggap ng COVID-19 booster shot, kakaunti lamang

Dalawang porsyento lamang ng kabuuang bilang ng health workers na unang naturukan ng booster shots ang nakaranas ng mild side effects.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa side effects ay lagnat, pagkahilo, at pagtaas ng blood pressure.

Pero naging manageable naman ang sitwasyon at ligtas na napauwi ang mga nabakunahan.


Dagdag pa ni Vergeire, wala pa silang naitatalang nakaranas ng serious adverse events.

Sa ngayon, aabot na sa 2,488 healthcare workers ang nabigyan ng booster shots.

Facebook Comments