NAKARESERBA | AFP Chief Rey Guerrero, mauupo bilang MARINA Chief pagkatapos ng kanyang tour of duty

Manila, Philippines – Hindi pa man natatapos sa kayang extended tour of duty ay itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Rey Leonardo Guerrero bilang administrator ng MARINA.

Bakante ngayon ang nasabing posisyon matapos sibakin ni Pangulong Duterte si Marcial Amaro III dahil sa maraming byahe nito sa labas ng bansa.

Ayon kay Pangulong Duterte, itatalaga niya si Guerrero sa oras na matapos ang kanyang tour of duty sa darating na Abril.


Matatandaan na noong nakaraang Disyembre pa sana ang retirement ni Guerrero bilang AFP Chief pero pinalawig pa ito ni Pangulong Duterte.

Ang anunsiyo ay sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang pangunguna sa pagtatayo ng tienda paras mga bayani sa Camp General Manuel Yan sa Compostela Valley.
Samantala, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines na barilin siya kapag lumampas siya ng kahit isang araw sa posisyon.

Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte bilang patunay na hindi siya kapit sa kanyang posisyon sa kabila ng kanyang pagsusulong Pederalismo na ayon sa Pangulo ay magbibigay ng kapayapaan sa Mindanao.

Facebook Comments