NAKASISIGURO | Mga Senador, iginiit na umaayon sa konstitusyon ang naipasang proposed BBL

Manila, Philippines – Nakasisiguro sina Senators Koko Pimentel, Risa Hontiveros at Majority Leader Migz Zubiri na umaayon sa konstitusyon ang naipasang panukalang bangsamoro basic law o BBL ng mataas at mababang kapulungan ng kongreso.

Giit ni Senator Pimentel, wala namang Senador at Kongresistang ang magpapasa ng panukalang batas na labag sa konstitusyon.

Diin naman ni Senator Hontiveros, ginabayan sila ng mga batikang abogado sa pagbalangkas at pagtalakay sa BBL kaya siguradong lulusot ito sa bicameral conference committee, hanggang sa maratipikahan at mapirmahan ni Pangulo Rodrigo Duterte.


Si Senator Zubiri, proud sa naipasang BBL, dahil siguradong tumutugon ito sa kapakanan ng kapatid na muslim sa Mindanao at sumusunod din sa nakapaloob sa saligang batas.

Facebook Comments