Dinadagsa ngayon ng mga residente ang Bubuludtua o mas kilala sa tawag na Rainbow Falls sa bayan ng Barira sa Maguindanao .
Matatagpuan ito sa Northern Part ng Barira sa bahagi ng Brgy. Nabalawag, nasa halos 2 oras ang trekking o pwede ring marating sa pamamagitan ng pagsakay ng kabayo para masilayan ang nakatagong isa sa paraiso ng bayan.
Plano ngayon ng LGU Barira na mabuksan na ito sa publiko, lalong lalo na sa mga nature adventurer sa susunod na taon ngunit nagpapatuloy pa ang pagsisikap ng LGU sa pag aayos ng Hanging Bridge, Foot Steps, Cottages at magandang trail ayon pa kay Barira Mayor Abdul Radzak Tomawis.
Tinatayang nasa 70-80 meters ang taas ng Falls maliban pa sa tila nakakalulang ganda ng buhos ng tubig, at nakakamanghang paligid nito, bukod pa sa mga batong buhay na tinatayang nasa ilang dekada ng nasa lugar at sa sobrang ginaw ng tubig.
Wala ring dapat ikabala sa seguridad ng mga nagpaplanong bumisita sa Falls dahil na rin sa presensya ng mga kasunduluhan sa pakikipagtulungan ng MILF BIAF giit ni Mayor Tomawis.
Sa katunayan, noong nakaraang taon ay nabisita na ito ni ARMM Governor Mujiv Hataman at nangakong isasama ang buong pamilya sakaling makakabalik sa Bubuludtua Falls, dagdag ni Mayor Tomawis.
Maliban sa planong Tourist Destination, target rin ngayon ng LGU na maging Hydro Power Source ang Falls. Samantala maliban sa Bubuludtua Falls, sinasabing may ilang Falls pa sa liblib na bahagi ng bayan at 3 lakes.