Nakatakas na drug suspek na si Jun No, patuloy na pinaghahanap ng PNP

Manila, Philippines – Nanatili pa sa Metro Manila angnakatakas na drug suspek na si Jun No na inaresto ng PNP kamakailan sa Pasaymatapos makuhaan ng daang piraso ng tableta ng ecstasy,
  Ayon kay PNP Drug Enforcement Group Spokesperson Supt.Enrico Rigor malabo pang makalayo si Jun No dahil sa kondisyon ng katawan nito.
  Naoperahan kasi ito matapos na matukoy ng mga doktor namayroon itong acute appendicitis.
  Si Jun No ay nakatakas sa kanyang 2 bantay sa east avenuemedical center noong Sabado April 15.
 
Una rito ay nagdeploy na ang PNP ng tracker team paramahuli si Jun No at maibalik sa kulungan
  Nanawagan naman si Rigor sa mga kaibigan ni NO na huwagna ito kukupkupin upang hindi madamay sa kaso.
 

Facebook Comments