Nakatakas na pugante sa New Bilibid Prison, naaresto ng CIDG sa Pasig City

91

Balik-selda na ang isang pugante sa New Bilibid Prison nang maaresto ng mga pulis matapos ang ilang taong pagtatago sa batas.


Kinilala ang pugante na si Romulo Foster na convicted sa kasong homicide at paglabag sa PD 1866 na naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Ipil Street, Greenwoods Executive Village, Pasig City kamakalawa ng gabi.

Si Foster na hinihinalang miyembro ng Batang Samar Leyte ay tumakas sa Bilibid noong October 22, 2004.

Samantala, naaresto rin ng mga pulis ang isang Rolando Loyola, alyas “Eduardo Loyola Jr.” at Nonoy sa Sampaloc, Manila.

Dinakip ito sa bisa ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Sinasabing si Loyola ang lider ng Nonoy Robbery/Snatching Group na nag-o-operate sa Manila at kalapit na lungsod.

Facebook Comments