Manila, Philippines – Nakatakdang maglabas ng isang sistema o teknolohiya ang Department of Information ang Communication Technology (DICT) para maproteksyunan ang pamahalaan laban sa mga cyber-attack o cyber threat.
Ayon kay DICT Asec. Allan Cabanlong – tatawagin itong national cyber intelligence platform kung saan magbibigay ng seguridad sa sampung ahensiya ng gobyerno ang kumpanyang integrated computer system na siyang nanalo sa bidding kamakailan.
Dahil dito, maaari nang makita o mamonitor ang anumang uri ng pagbabanta, kriminalidad at terorismo sa gumagamit ng social media.
Target itong masimulan sa Enero 2019 at tinatayang aabot sa mahigit 500 milyong piso ang igugugol na pondo ng pamahalaan para sa proyekto.
Facebook Comments