Nakatakdang Bangsamoro Assembly ngayong Linggo, ipinagpaliban

Manila, Philippines – Pansamantalang ipinagpaliban ng Office of the Bangsamoro Transition Commission (BTC) ang itinakda nilang Bangsamoro Assembly sa November 3 at 4.

Ayon kay BTC Chairman Ghazali Jaafar, kinailangan nilang ipagpaliban ang pagpupulong dahil sa kadahilanang hindi nila makokontrol.

Aniya, maaring sa ikatlong linggo na lamang ng Nobyembre nila ito maitutuloy.


Agad naman aniya nilang ipagbibigay-alam kung magkaroon na ng kumpirmadong petsa kung kailan maipagpapatuloy ang pagpupulong.

Gayunman, bagaman naantala ang Bangsamoro Assembly, tiniyak ni Jaafar na patuloy pa rin ang lahat ng ginagawang paghahanda ng mga komite.

Matatandaang naisumite na ng btc ang draft ng Bangsamoro Basic Law kay Pangulong Rodrigo Duterte noong July 17.

Facebook Comments