Pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City ang muling pagdaong o pagbisita ng tatlong International Cruise ship sa mga baybayin ng lungsod.
Partikular na bibisitahin ng tatlong cruise ship na ito ang Hundred Islands National Park na magsisimula sa ikalawang quarter ng taon o sa paparating na buwan ng Abril.
Sinabi ni Alaminos City Tourism Assistant Department Head Rosalie Salila- Aruelo, inaasahang unang bibisita ang MS Breeze Cruise ship sa April 2, sa April 6 naman inaasahang darating sa lugar ang Seabourn Odessey Cruise Ship sa June 27, 2023 naman bibisita ang ikatlong cruise ship na MS Heritage Adventurer.
Samantala, mayroon ng reservation ang cruise ship na ito noon pang November 2022 para sa itinerary ng mga ito sa mga isla ng Alaminos City.
Pinaghahandaan na ito ng LGU dahil masuwerte ang lungsod na bibisathin at maraming mga dayuhang turista ang nakatakdang bumisita.
Sa pagbisita ng mga ito ay sumabay din ang pag-usbong ng ilang bagong atraksyon sa lugar gaya ng kabubukas na Ramos Island at Bonsai Garden na pwedeng bisitahin ng mga turista.
Matatandaan na noong 2019 nang huling may bumisitang cruise ship sa lugar dahil sa nagdaang pandemya. |ifmnews
Facebook Comments