Nakatakdang pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan, hindi magdudulot ng problema ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr

Walang magiging problema ang nakatakdang pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Pilipinas partikular sa Palawan.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isinagawang kapihan with the media sa Bangkok Thailand.

Ayon sa Pangulo, bagamat ang Palawan ang pinakamalapit na probinsya sa South China Sea wala aniya magiging problema lalo’t malinaw na bahagi naman ito ng teritoryo ng Pilipinas.


Sinabi ng pangulo na muli niyang ilalahad kay US Vice President Harris na ipagpatuloy pa ang magandang relasyon ng Pilipinas at Amerika.

Sa usapin naman aniya ng security at defense sa Asia Pacific, mas makakabuti ayon sa pangulo na magkasundo o may effort ang lahat ng bansa para sa kapayapaan.

Facebook Comments