Nakatakdang paglalabas ng naantalang P27 billion na Health Emergency Allowance, good news sa mga health worker -PFPA

Good news para sa mga health worker partikular sa mga nurse sa bansa ang ilalabas na P27 billion na Health Emergency Allowance (HEA) bukas.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Philippine Federation of Professional Associations Board of Trustee Melvin Miranda, na bagama’t matagal itong hinintay ng mga health worker ay welcoming development ito sa kanilang sektor.

“Syempre tayo ay masaya over dun sa inisip natin na talagang na-pending for almost…this is a long-awaiting journey ng ating mga health workers and nurses. However, welcoming development ito and it’s definitely a good news kasi meron tayong mae-extend na magandang balita sa atin pong mga health workers and specifically nurses na naglingkod during the time of pandemic.”


Ayon kay Miranda, nakaapekto sa pagkaantala ng pondo ang kakulangan sa requirements ng mga ospital na tumanggap ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Aniya, hamon naman ngayon ang posibleng pagkaantala sa distribution ng emergency allowance sa mga health worker lalo na kung hindi ito direktang ibibigay at idaraan pa sa local government units (LGUs).

“It’s in the process kasi wherein hindi siya direct mismo doon sa tao, but mainly it will pass through kung ‘yung classification ng hospital that submitted the requirements ay LGU, papasa sa LGU tsaka maitatransfer sa hospital and it process directly to their payroll.”

Kaugnay nito, nakadepende na aniya sa pagproseso ng pondo kung kailan matatanggap ng mga kwalipikadong health worker ang kanilang allowance.

Facebook Comments