Nakatakdang pulong nina Pangulong Duterte at mga Senador, kinumpirma ng liderato ng Senado

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Senate President Koko Pimentel ang nakatakdang pakikipagpulong ng senate majority block kay Pangulong Rodrigo Duterte sa July 17.

Ilang araw yan bago ang July 22 na siyang nakatakdang pagtatapos ng 60-araw na martial law na idineklara ng Pangulo sa buong mindanao.

Ayon kay Pimentel, kasama sa agenda ng kanilang pulong sa Pangulo ang posibleng pagpapalawig sa martial law sa Mindanao at ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.


Sabi naman ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III, matatalakay sa nabanggit na meeting ang assessment sa nagpapatulay na operasyon ng tropa ng pamahapaan sa marawi city laban sa Maute group at Abu Sayyaf.

Binanggit din ni Sotto na mapag-uusapan ang legislative agenda at ang nalalapit na State of the Nation Address o SONA ng Pangulo sa July 24.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments