Nakatakdang Senate hearing ngayon ukol sa paghahanda sa eleksyon, ipinagpaliban

Sa halip na ngayong araw ay ipinagpaliban sa April 19 ang pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado ukol sa paghahandag Commission on Elections (COMELEC) sa darating na halalan sa Mayo.

Base ito sa abiso ng nangunga sa pagdinig na Senate Committee on Electoral Reforms na pinamumunian ni Senator Imee Marcos.

Sa susunod na pagdinig ay plano ng komite na hingan ng update ang COMELEC ukol sa paghahanda para sa eleksyon.


Aalamin din ng komite kung pinayagan na ang mga observer sa pag-iimprenta ng mga balota at sa paghahanda ng SD card ng mga vote counting machine.

Bukod dito ay muli ring tatalakayin ang umano’y data breach o paglalabas mula sa Smartmatic ng mahahalagang impormasyon o datos kaugnay sa darating na halalan.

Facebook Comments