NAKATULONG | Hindi paggalaw ng October inflation rate, dahil sa pressure – ayon sa BSP

Manila, Philippines – Naniniwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nakatulong ang pressure mula sa iba’t ibang sektor sa hindi paggalaw ng inflation rate nitong Oktubre.

Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla – bagama’t maraming factor pa rin ang nagdulot ng mataas na inflation, hindi naman nito nahatak ang mabagal na usad ng iba pang commodity group.

Pag-aaralan naman ng monetary board kung kailangan ng panibagong policy rate adjustment dahil sa posibleng epekto ng kasalukuyang inflation rate sa target na inflation ng BSP sa 2019.


Facebook Comments