NAKATULONG | Social media, malaki ang naitulong sa ginanap na payapang Barangay at SK Elections

Manila, Philippines – Malaki ang naitulong ng social media sa Philippine National Police (PNP) para maging mapayapa ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay Philippine National Police Spokesperson, Chief Superintendent John Bulalacao, sa pamamagitan ng social media ay naipakalat ang mga election security message na nais nilang ipakalat dahil nashe-share sa post ang mga do’s and don’ts sa halalan.

Sa pamamagitan aniya ng social media madali silang nagkakaroon ng komunikasyon sa publiko at naipalaam nila ang magagawa ng matalinong botante sa pagtataguyod ng peace and order sa mga barangay.


Nanawagan naman si Bulalacao sa netizen na may nakuhang kahina-hinala o iregular na aktibidad may kaugnayan sa ginanap na eleksyon kahapon na i-post ang picture o video para agad maaksyunan.

Inihalimbawa kasi nito ang vote buying kung saan 2 insidente pa lang ang narespondehan ng PNP dahil sa kakulangan ng impormasyon.

Kaugnay nito inaashan naman ni Bulalacao na makikibahagi ang Anti-Cyber Crime Group (ACG) ng PNP sa pagkuha ng ebidensya at impormasyon sa mga kandidato na lumabag sa election rules base sa social media post ng mga netizen.

Facebook Comments