NAKATUTOK | Level of coordination, sentro sa imbestigasyon ng PNP at AFP sa naganap na misencounter sa Samar

Manila, Philippines – Nakatutok ngayon ang imbestigasyon ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa level of coordination na ginawa ng mga pulis at miyembro ng Philippine Army na nag-operate sa Sta Rita Samar at Nagresulta sa Misencounter.

Ito ay matapos na aminin mismo kahapon ni 8th Infantry Division Commander Major General Raul Farnacio na nakipag-coordinate ang mga pulis sa detachment ng militar sa lugar tatlong araw bago nagpatrolya ang mga ito Sta Rita Samar noong Lunes.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde inaalam nila ngayon kung hanggang saan nakarating ang coordination.


Hindi aniya kasi sapat na sa isang detachment lang makikipag ugnayan ang mga pulis na nagoperate dahil maraming unit ng AFP ang nagooperate sa lugar.

Nais aniya nilang masagot ang tanong na bakit hindi nakarating sa operating unit ang koordinasyon.

Sinabi pa ni Albayalde na kung naging maayos man ang koordinasyon ng dalawang panig kinakailangan pa rin daw ng pnp na maghintay ng go signal sa militar bago pa rin makapag operate sa kaparehong lugar.

Normal aniya ang ganitong proseso sa nangyarintg misencounter anim na pulis ang namatay at siyam ang sugatan.

Facebook Comments