NAKATUTULONG | CCTV at smartphones, malaki ang naiaambag sa paglutas at pagbawas ng krimen – NCRPO

Manila, Philippines – Naniniwala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakatutulong sa pagbawas ng krimen sa Metro Manila ang mga makabagong teknolohiya.

Ayon kay NCRPO Director, Chief Superintendent Guillermo Eleazar, malaki ang naiaambag ng mga smarthphones, CCTV, GPS systems at tracking devices maging ang social media sa paglutas ng krimen.

Sa pamamagitan aniya nito ay mabilis na naisusumbong sa mga awtoridad ang mga mahahalagang impormasyon at mabilis na nakakapagresponde.


Base sa huling datos ng PNP, bumagsak ng 25% ang crime rate sa Metro Manila sa unang anim na buwan ng taon.

Facebook Comments