NAKATUTULONG | CHED, suportado ang panukalang TRAIN Law

Manila, Philippines – Suportado ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Giit ni CHED Commissioner Prospero De Vera, pinopondohan ng TRAIN ang free higher education law na siyang nakatutulong sa mga estudyante at kanilang pamilya.

Nasa kabuhuang walong bilyong piso ang natitipid ng lahat ng magulang ng 900,000 estudyanteng naka-enroll sa 112 State Universities and Colleges (SUCs) sa bansa mula sa free tuition initiative ng gobyerno noong academic year 2017-2018.


Aabot naman sa 16 billion pesos ang nadagdag sa bulsa ng mga pamilya ng 1.3 million na estudyante mula sa 112 SUCs at 78 CHED-recognized Local Universities and Colleges (LUCs) matapos mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang R.A. 10931 o ‘Universal Access to Quality Tertiary Education Law’ nitong Agosto 2017.

Nasa 300,000 mahihirap na estudyante naman ang nakatatanggap ng dagdag na 40,000 hanggang 60,000 pesos kada taon sa pamamagitan ng tertiary education subsidy.

Facebook Comments