NAKAUWI NA | 100 OFW mula sa UAE, dumating na sa bansa

Manila,Philippines – Nakahinga ng maluwag ang 100 mga OFW na galing sa United Arabs Emirates nang lumapag ang kanilabg sinasakyang eroplano ng dumating sa NAIA Terminal 1 dahil sa naranasan nilang hirap sa naturang bansa.

Ayon kay DFA Secretary Allan Peter Cayetano, iba’t ibang karanasan ang nangyari sa 100 OFW na dumating sa bansa matapos tulungan ng gobyerno na makabalik dahil sa malupit na karanasan na kanilang sinapit sa kamay ng kanilang mga Employers.

Paliwanag ni Cayetano, binigyan ng 100 dolyar o katumbas ng mahigit 5 libong piso ang lahat ng mga OFW na dumating sa bansa mula sa UAE bilang tulong ng gobyerno para sa kanila.


Dagdag pa ng kalihim na mayroong nakalaan na mga training at trabaho ang gobyerno sa mga OFW na umuuwi sa bansa dahil sa pang aabusong kanilang nararanasan sa Gitnang Silangan.

Giit ng Cayetano, seguridad ng mga OFW ang tinitingnan ni pangulong Duterte kaya gumagawa ng hakbang ang gobyerno upang makabalik sa bansa ang mga OFW na minamaltrato ng kanilang mga Employeers sa Gitnang Silangan.

Facebook Comments