NAKAUWI NA | 12 OFWs na pinagmalupitan ng kanilang mga amo sa Saudi balik bansa na

Manila, Philippines – Balik Pilipinas na ang 12 babaeng Overseas Filipino Workers (OFW) na nakaranas ng pang aabuso sa kanilang mga amo sa Jeddah Saudi Arabia.

Kabilang sa kanila ang ang isang OFW na nabalian ng gulugod o spinal cord matapos itong lumundag mula sa ikalawang palapag na kanyang pinagtrabahuhang bahay.

Ayon sa DFA, matapos ma-ospital ang nasabing biktima ay pansamantala muna itong kinupkop sa Bahay Kalinga ng konsulado.


Samantala, tiniyak naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na aayudahan ang mga umuwing manggagawang Pinoy mula Saudi Arabia kabilang na dito ang P5,000 financial assistance at P20,000 bilang livelihood assistance.

Facebook Comments